Transcript of interview with Senate President Manny Villar and OFW Jennifer Calinao

Q: On the repatriation of Jennifer Calinao

Villar: Nais ko lang ikwento na dumaan ako sa Bahrain papuntang Jordan noong sinamahan ko pauwi ang ating mga OFW doon. Ako ay kumain sa isang restaurant at ibinigay sa akin ng may-ari ng restaurant itong mga papel na ito. Sinabi nila na meron daw isang kababayan tayo na nakapulot nito at dinala sa restaurant kaya ibinibigay niya sa kasama ko na ambassador at aking tiningnan. Binasa ko ang istorya ni Jennifer. Siguro, pwedeng ikwento ito ni Jennifer. Jennifer Calinao: Sabi ko po doon sa agency, magpapalit ako ng sponsor. Ang sabi niya po, hindi daw niya ako papalitan ng sponsor. Ide-detain na lang daw po ako ng agency tapos ikinulong po ako ng isang linggo. May nakita po ako na isang Pilipina na dumaan sa building ng agency. Tapos po sabi ko, kabayan tulungan mo naman ako kasi nakakulong ako dito, ayaw akong palabasin ng manager. Araw-araw na po siyang dumadaan doon, inaabangan ko ang kada daan niya kasi malapit lang po ang accommodation nila. Naghuhulog po ako ng sulat doon sa may pinakabutas ng building. Kasi po init na init na po ako doon, walang aircon, walang kahit ano doon. Tapos sabi ng Pilipina…

Q: Ano ang pangalan ng kaibigan mong Pilipina?

Jennifer Calinao: Hindi ko po kilala iyon. Dumadaan lang siya doon. Lagi-lagi na po siyang dumadaan doon, inaabangan ko kada daan niya tapos gumagawa po ako ng letters para ibigay nga po doon sa mga kababayan natin. Talaga pong ayaw akong palabasin doon sa building ng manager ng agency. Tapos sabi niya, sumigaw siya kunwari may kausap siya sa cellphone. Sabi niya, sige ako ang bahala, tutulungan ka namin diyan basta huwag ka lamang mag-aano. Tapos lagi po akong sinasabihan ng manager na kapag nalaman nga daw sa Philippine embassy, papatayin daw po o kaya ipakukulong daw po. Kaya sabi ko doon sa Pilipina, huwag ka munang magsusumbong kasi pagka nangyari iyan, baka mapahamak ako dito. Iyon po. Tapos hindi po ako binibigyan ng pagkain sa loob. Stay daw po ako two years doon hangga’t hindi ako nakakabayad ng 600 BD na ibinigay nila sa agency dito.

Villar: Ako naman, noong dumaan ako sa Bahrain, kumain muna kami ni Ambassador at ni Consul Burgos sa restaurant. Ibinigay po sa akin ito. Ito pala ang mga itinatapon ni Jennifer sa kanyang pinagkakakulungan at ibinigay noong nakapulot, iyong ikinukwento niyang dumadaan everyday. Ngayon binasa ko itong istorya at kara-karakang inutusan ko si Ambassador at si Consul na kailangan ay makuha nila itong si Jennifer at hindi puwedeng hindi makukuha ito. Pinuntahan nila agad. Una muna ay wala, sarado. Iyong pangalawa ay naayos nila. Pinababayaran kasi sa kanya iyong $2,000 tsaka pamasahe. Sinagot ko na lamang iyon para makalaya na siya at para walang problema. Ito ay nakakatuwa rin dahil sa nagkataon lamang na kumain kami sa particular na restaurant na iyon. Kaya ko naman sinasabi ito dahil sa maaaring maraming ganitong halimbawa na nangyayari sa atin pong mga kababayan doon. Itong kay Jennifer ay maaaring isang halimbawa lamang ng maraming mga ganyang kaso na nakakulong. Mabuti si Jennifer ay sumulat dito sa karton at napulot at nagkataong naibigay naman sa ambassador at naibigay sa akin. Kung hindi nangyari iyan ay matagal na makukulong itong si Jennifer. Kaya hindi natin puwedeng tigilan itong pagtulong sa ganitong mga may problema. Bagamat mayroon na tayong mga kasunduan na napipirmahan sa Jordan, dito naman sa Bahrain ay meron ding mga ganitong pangyayari at marami pang mga bansa. Kaya tuloy-tuloy lamang ang ating programa para dito upang itong nangyari kay Jennifer ay hindi mangyayari sa iba nating mga kababayan.

 

Continue Reading

2 Responses to “Transcript of interview with Senate President Manny Villar and OFW Jennifer Calinao”

  1. mrloo Says:

    Hi to all the OFW’s who visit this blog, I’d like to invite you to join the new social network of the Overseas Filipino Workers at http://www.ofwfriends.com.

    See you there!

  2. pepsi rivera Says:

    hi! sir,magandang hapon po! akoy natutuwa habang binabasa ko ang mga comments ng mga supporters nyo,isa rin po ako sa mga taga hanga nyo! ngayong darating na election kami po ng family ko, ay ikaw po ang iboboto namin ngayong darating na election,alam po namin na maganda po ang hangarin nyo sa bayan natin,at maganda rin po ang kaloob looban ng iyong puso,akoy natutuwa dahil marami na rin kayong natutulongan na mga tao, kahit mayaman na kayo di pa rin kayo nagbabago ng anyo,kaya saludo kami ng familya ko,natutuwa rin po ako dahil nakita ko po ang anak nyong si camille,napaka simpleng bata nya,magalang sana po ay pag butihin nyo po ang inyong mga layunin,huwag po kayong makalimut magdasal,hayaan nyo na po ang mga taong naninira sa inyo,ipasa dios nyo na po lahat,natutuwa rin po ako sa inyo dahil,wala po kayong binitawan na di magandang salita tungkol kay pangulong arroyo,nirespeto nyo pa rin cya bilang presidente,sana po manalo po kayo ngayong darating na election, god bless you all! pepsi


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: